Vaccination ng general public sa Agosto pa masisimulan – Galvez

Imahe mula sa Manila PIO
  • Sa Agosto pa masisimulan ang vaccination ng general public ayon kay Galvez
  • Matatapos na sa Hulyo ang A1 hanggang A3 habang uumpisahan naman sa Hunyo ang A4 at A5
  • Dumating na rin sa bansa ang panibagong 500,000 doses ng Sinovac

Posibleng sa Agosto pa masisimulan ang vaccination rollout para sa karamihan ng mga Pinoy kung kailan inaasahang sapat ang supply ng COVID vaccine sa bansa.

Ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez, tinatapos nila muna ngayon ang nasa priority list tulad ng A1 (health care at medical workers), A2 (senior citizens edad 60 anyos pataas) atnd A3 (yaong may comorbidities). Target ng gobyerno na makumpleto na ito ngayong Hulyo.

Sec. Galvez| Screenshot mula sa RTVM Facebook video

Kaugnay nito, nakatakda na ring umpisahan sa Hunyo ang susunod sa listahan tulad ng A4 (economic personnel) at A5 (indigent population.

Para naman sa general public, maaari na umanong simulant ito sa darating na Agosto.

“Sa August, we are targeting na kapag dumagsa na ang ating mga vaccines, p’wede na tayong magkaroon ng general public vaccination by August kasi mayroon na tayong mga eksakto na mga bakuna,” wika ni Galvez.

PH vaccination program| Imahe mula sa SCMP

Hanggang noong Martes, Abril 27, umabot na sa 1,809,801 doses ang naipamahagi ng pamahalaan sa mga nasa priority list; 1,562,815 dito bilang first dose at 246,986 bilang second dose.

Samantala, dumating na rin sa bansa nitong Huwebes, Abril 29, ang panibagong 500,000 doses ng Sinovac na binili ng Pilipinas sa China. Ito na ang pang-anim na batch ng Chinese vaccine na dumating sa bansa kasunod ng 500,000 doses din noong Abril 22.

Unang delivery ng Sinovac| Screenshot mula sa ABS-CBN video

Lumapag ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dakong alas-7:00 ng umaga sakay ng Cebu Pacific flight.

Dahil dito, umabot na sa 3.5 milyong doses ng Sinovac ang natanggap ng Pilipinas kabilang na ang isang milyong donasyon mula sa gobyerno ng China.

Loading…