Vaccine expert walang nakikitang masama kung paghaluin ang bakuna

PGH head Dr. Legaspi| Imahe mula sa PNA
  • Walang nakikitang masama ang isang vaccine expert sa paghahalo ng magkaibang brand ng bakuna
  • Ito ay sa harap ng posibilidad na kapusin sa supply ng pangalawang dose ang mga naturukan na
  • Inamin naman ng eksperto na hindi pa ito nagagawa at kasalukuyan pang pinag-aaralan

Bagama’t hindi pa nasusubukan, walang nakikitang masama ang isang vaccine expert kung paghaluin man ang magkaibang brand ng COVID-19 vaccine.

Sa ginawang ‘Laging Handa’ press briefing, sinabi ni Philippine Foundation for Vaccination Executive Director Dr. Lulu Bravo na patuloy pa itong pinag-aaralan sa ngayon subalit mukhang wala naman daw itong panganib na dulot sa kalusugan kung nagkataon.

Imahe mula sa facebook

“Actually, it remains to be investigated, but there is no harm. In general, maraming mga nangyayaring ganiyan, even before. Hindi lang dito maaaring mangyari sa COVID. Kasi kaming mga pediatrician, doon sa mga bata nangyayari ‘yan,” ani Dr. Bravo.

Ginawa ng eksperto ang pahayag sa harap ng posibleng kakapusan ng COVID vaccine dahil sa malaking demand nito sa buong mundo. Habang ang ibang mga Pinoy ay naturukan na ng unang dose, mayroong nangangambang maubusan ng supply para sa kanilang pangalawang dose.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Inamin ni Bravo na wala pang kumpanya na gumagawa ng ganitong pag-aaral at hindi pa rin daw ito nagagawa. Subalit dahil nga panahon ng pandemya, may mg a nababalitan umano siya na mga Chinese companies na nag-iisip na ngayong paghaluin ang dalawang brand ng COVID vaccine kapag wala nang ibang magamit.

Ganun pa man, posible raw maapektuhan ang efficacy ng bakuna kapag dalawang brand ang pinaghalo. Pero hindi naman umano ito nangangahulugan na mayroong masamang epekto ang paghahalo ng COVID vaccine, ayon pa kay Bravo.

“Pero hindi masama, hindi makakasama kung makapag-iba ka or mabago. Ngayon, we usually think na kung magkamukha ‘yung bakuna, baka pareho sila ng efficacy… It remains to be seen kung ano ang posibleng gawin ng mga kumpanya na magsasagawa nitong ganitong pananaliksik,” paliwanag pa ng doktor.

Screenshot mula sa RTVM video

Sa Pilipinas, dalawang brand pa lang ang ginagamit ng gobyerno – ang Sinovac mula sa China at AstraZeneca mula sa COVAX facility.

Kamakailan ay lumabas ang balitang nahihirapan ang AstraZeneca na sumabay sa malaking demand ng kanilang bakuna bukod pa sa naiuulat na mga side effect nito sa ibang naturukan na ng first dose.

Dahil dito, lumutang ang posibilidad, hindi lamang dito sa Pilipinas, kung hindi maging sa ibang bansa, na gumamit ng ibang brand para sa pangalawang dose.

 

Loading…