Vanessa Bryant sa yumaong si Kobe Bryant sa kanilang 20th wedding anniv: “I love you for now, forever, and for always”

  • Ipinaabot ni Vanessa Bryant sa yuma0ng asawang si Kobe Bryant ang mensahe niya para sa kanila sanang 20th wedding anniverasy
  • Walang hanggang pagmamahal ang mensahe ni Vanessa sa kanyang asawa
  • Hindi naman nakalimot ang mga kaibigan at fans ni Kobe na batiin ang kanyang asawa

Higit ang isang taon na nang magulantang ang mundo sa biglaang pagpanaw ng NBA superstar na si Kobe Bryant dahil sa pagbagsak ng sinasakyan nitong helicopter. Kasamang sumakabilang buhay ni Kobe ang anak na si Gianna at pitong iba pa.

At kamakailan lamang, ipinagdiwang ng nabyuda ni Kobe na si Vanessa Bryant ang kanila sanang ika-20 anibersaryo bilang mag-asawa. Sa pamamagitan ng ilang Instragram post, ipinabatid ni Vanessa ang walang patid na pagmamahal at pangungulila sa asawa.

Larawan mula sa Instagram post ni Vanessa Bryant

Sa magkasunod na IG post, ibinahagi ni Vanessa ang kanyang mensahe para kay Kobe. Kalakip ang larawan ng kasal nila, binati ni Vanessa ang asawa para sa kanilang anibersaryo.

Sa sumunod na post naman, marami ang naging emosyonal dahil ibinahagi ni Vanessa ang video ng sweet moments nila ni Kobe sa tuwing may laro ang asawa na bahagi ng champion team na LA Lakers. Sa nasabing video ay mapapanood rin ang pahayag ni Kobe kung gaano niya kamahal ang kanyang asawa at kanyang best friend.

“I love you for now, forever, and for always Kobe Bryant,” hayag ni Vanessa sa post na nakakuha ng higit 3 milyong likes mula sa kanyang mga followers at fans ng asawa.

Sa isang IG Story naman, ipinakita ni Vanessa na hindi nakalimot sa wedding anniversary nila ang teammate at mabuting kaibigan ni Kobe na si Pau Gasol. Nagpadala si Pau at asawa nito kay Vanessa ng heart-shaped bouquet of roses.

Larawan mula sa Instagram post ni Vanessa Bryant

Bago pa man ang wedding anniversary posts ni Vanessa, madalas na talaga itong mag-post tungkol kay Kobe at sa anak.  Madalas ay simple lamang ang caption ni Vanessa sa kanyang mga post tulad ng “The best.”

Nagkakilala ang dalawa noong 17 anyos pa lamang si Vanessa nang gumawa ito ng isang music video kung saan ay background dancer siya. Naging magkaibigan ang dalawa at naging engaged sa loob ng anim na buwan at ikinasal noong April 18, 2001.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vanessa Bryant ? (@vanessabryant)

Source :

Instagram, IG

Loading…