Video footage ng UFO na hugis pyramid kinumpirma ng Pentagon

Screenshot mula sa video na ibinahagi ng investigative filmmaker na si Jeremy Cornell
  • Inilabas ng investigative filmmaker na si Jeremy Corbell sa kanyang website ang video footage ng hugis pyramid na flying object
  • Kinumpirma ng Pentagon na navy personnel ang nakapag-video sa unidentified flying object
  • Ang UFO ay nakunang lumilipad-lipad sa ibabaw ng USS Russel sa San Diego, California noong July 2019

Inamin ng Pentagon, headquarters ng US Department of Defense,  na ang personnel na lulan ng isang US Navy ship ang kumuha ng video sa misteryosong flying object na namataan sa ibabaw ng barko.

Screenshot mula sa video na ibinahagi ni Jeremey Corbell

Ang kulay berdeng night-vision video footage ay kuha umano ng Unidentified Aerial Phenomena Task Force (UAPTF) na nai-leak kay Jeremy Corbell, ang investigative filmmaker na gumawa ng documentary na “Bob Lazar: Area 51 & Flying Saucers” at kay KLAS TV News director George Knapp na isang investigative reporter.

Sinabi ni Corbell na naberipika niya ang authenticity ng nakagugulat na video footage mula sa intelligence briefing ng Pentagon, kung saan kinumpirma ng mga opisyal nito na ang footage ay kuha ng Navy.

Sa maiksing video clip na kuha ng navy personnel na lulan ng USS Russel,  nakita ang isang flying object na hugis tatsulok. Kuha ang video sa San Diego, California noong July 2019.

Ipinaliwanag ni Corbell na bilang isang investigative filmmaker at journalist sa larangan ng UFO research, buwan-buwan ay nakatatanggap siya ng mga impormasyon, kabilang na ang audio at video, tungkol sa UFO phenomenon.

Sa tuwing nakatatangap umano siya ng mga ganito kasensitibong impormasyon ay bineberipika niya nang husto ang authenticity ng mga ito.

Screenshot mula sa video na ibinahagi ni Jeremey Corbell

“Investigative reporter George Knapp is always my first call, as he has navigated these murky waters for decades prior to my own efforts. By combining forces, we are capable of tapping contacts within almost any industries – including military and intelligence.” ani Corbell sa website niyang Extraordinary Beliefs.

Bagama’t walang nakatitiyak kung ano talaga ang mga bagay na nakunang lumilipad, kinumpirma ni Pentagon spokesperson Susan Gough na navy personnel nga ang nakapag-video niyon.

“I can confirm that the referenced photos and videos were taken by Navy personnel. The UAPTF included these incidents in their ongoing examinations,” aniya.

May mga naniniwala na ang mga namataang UFO ay weather balloons o kaya naman ay mga foreign spy drones at hindi flying saucers ng isang advanced civilization mula sa ibang planeta.

Screenshot ng Twitter post ni Jeremy Corbell

Loading…