Villar dumepensa sa ginawang inauguration ng ospital: ‘Hindi masama kung ipa-bless ‘yung building’

Imahe mula sa Facebook ni Sec. Mark Villar
  • Dumepensa si Sec. Villar sa ginawang inauguration ng bagong ospital sa QI
  • Wala raw masama sa kanilang ginawa dahil karaniwan ito sa lahat ng kanilang proyekto
  • Magugunitang sinita ni Sen. Binay ang naturang inauguration ceremony

Ipinagtanggol ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar ang ginawang inauguration ceremony ng isang modular hospital sa Quezon Institute (QI) na sinita ni Senador Nanacy Binay at inalmahan ng ilang netizens.

Para kay Villar, walang masama umano kung ipa-bless man lang ang gusali sa kanilang final inspection na karaniwan naman nilang ginagawa sa lahat ng proyekto ng gobyerno.

Screesnhot mula sa Twitter

“Hindi naman masama kung ipa-bless mo ‘yung building and ‘yung final inspection is important and we do this for all public infrastructure,” paliwanag ng kalihim sa panayam ng ANC Headstart.

Matatandaang nanawagan si Binay sa mga opisyal ng gobyerno na kung maaari ay itigil na muna ng pagsasagawa ng ‘inauguration rites’ lalo na para sa mga bagong bukas na ospital dahil importante umano ang oras para sa mga pasyente ngayong pandemya.

Ito ay matapos lumabas sa balita at nakunan pa ng video ang inauguration rites ng modular hospital na dinaluhan ng ilang matataas na opisyal kabilang na sina Villar, Health Sec. Francisco Duque, Senador Bong Go at iba pa.

Screenshot mula sa Twitter

“Pakiusap kung pwede buksan na lang para magamit agad. Sayang lang ang oras sa ribbon cutting at photo ops,” anang senador sa kaniyang Twitter.

Mahalaga raw kasi ngayon ang bawat oras lalo na para sa pamilya ng mga pasyenteng may COVID-19.

Subalit ayon kay Villar, wala siyang nakikitang masama rito at hindi rin dapat gawing isyu pa.

“To be fair to government, I don’t think there’s anything wrong with conducting a final inspection, and if we bless a building, I don’t think that should be an issue,” wika ng kalihim.

Screesnhot mula sa Twitter

“That’s why I don’t want to dwell on this. I think what’s more important is the structure itself that the government is doing to address this issue,” dagdag pa ng opisyal.

Marami ring netizens ang nadismaya matapos mapanood ang pagpapasinaya ng ng 110-bed na bagong ospital para sa COVID-patients.

Bukod raw sa hindi na halos nasunod ang social distancing, sana ay ipinagpaliban na muna ang ribbon cutting at photo ops ng mga opisyal sapagkat napakarami nang pasyente ang nakapila sa mga pagamutan at ang iba ay naghihintay na lang sa tent sa labas para lamang ma-admit.

Loading…