Virgin coconut oil ipinamahagi ng IATF sa mga ospital para sa mga pasyenteng may mild sypmtoms

Imahe mula sa Facebook/ Sec. Nograles
  • Namahagi ng virgin coconut oil ang IATF sa mga ospital sa Metro Manila
  • Ito ay bilang karagdagang gamot umano sa mga pasyenteng mayroong mild symptoms ng COVID
  • Wala naman daw masama kung susubukan lahat ng psoibleng gamot basta’t ligtas ito

Nagsimulang mamahagi ng virgin coconut oil (VCO) sa mga ospital sa Metro Manila ang  Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) bilang karagdagang gamot umano sa mga pasyenteng may mild symptoms ng COVID-19.

Ayon kay IATF vice chairman at Cabinet Secretary Karlo Nograles nitong Huwebes, walang masama kung subukan ang lahat ng ligtas at posibleng makagagamot sa COVID at kabilang na rito ang VCO na patuloy naman daw na pinag-aaralan ngayon ng Department of Science and Technology (DOST).

Imahe mula sa Facebook/ Sec. Nograles

Subalit nilinaw ni Nograles na ang pamamahagi ng VCO sa mga ospital ay kaniyang personal na inisyatibo at hindi opisyal na undertaking ng IATF at pondong ginamit umano rito ay donasyon mula sa pribadong sektor.

“More importantly, there are zero risks involved; VCO may help them, and certainly will not endanger their lives,” ani Nograles sa isang pahayag.

Bago pa man ang pamamahagi, nakipag-ugnayan na umano siya sa DOST, mga doktor at ilang eksperto na nagsabing posibleng may magandang benepisyo ang VCO sa mga pasyenteng mild lamang ang sintomas.

Imahe mula sa Facebook/ Sec. Nograles

“At this point, we should be doing everything we can to help those who have contracted COVID-19. If there are possible treatments out there backed up by science, and trying these treatments have little or no risk involved, subukan natin,” dagdag pa ng kalihim.

Tiniyak naman ni DOST Secretary Fortunato dela Pena sa panayam ng Teleradyo na patuloy ang kanilang ginagawang clinical trials sa VCO bilang adjunctive treatment kontra COVID-19.

Imahe mula sa PTV News

“‘Yung adjunctive ay pangdagdag na makabilis sa recovery…Hindi siya parang bakuna na ‘pag uminom ka hindi ka na magkakaroon pero tataas ang inyong immunity level kasi may anti-viral properties siya,” paliwanag ni Dela Pena.

Kinumpirma rin ni Nograles na 61 pasyente ngayon na naka-confine sa tatlong pagamutan ang pumayag na gumamit ng virgin coconut oil maliban sa kanilang regular na gamutang tinatanggap.

Loading…