Vlogger tinanggap ang hamon na maligo sa fountain; sinita at pinag-community service

Screenshot mula sa Facebook| Daily Fawk
  • Naligo sa public fountain sa CDO ang isang vlogger bilang pagtanggap sa hamon ng kaniyang mga followers
  • Hindi naman natuwa ang mga awtoridad sa lungsod sa kaniyang ‘prank’
  • Dahil dito, inisyuhan siya ng ticket bilang paglabag sa ordinansa at pinag-community service pa ng apat na araw

Sa presinto nagpalipas ng magdamag at pinag-community service pa ang isang vlogger sa Cagayan De Oro City matapos itong mahuling naliligo sa public fountain noong Linggo, Abril 18.

Kinilala ang vlogger na si Daily Fawk na ang tunay na pangalan ay Jeremy Hallazgo, 20 anyos.

Screenshot mula sa Facebook| Daily Fawk

Si Hallazgo ay nasita ng mga awtoridad matapos maligo at lumangoy sa isang fountain sa Gaston Park na nakasuot ng face mask, T-shirt at boxers.

Inamin naman ni Hallazgo na ginawa niya ang naturang ‘prank’ matapos hamunin ng kaniyang mga followers sa social media na tumalon sa nabanggit na fountain.

Kaagad namang isinumbong ng guwardiya sa mga awtoridad ang pangyayari kaya hinuli ang vlogger pati na ang kaniyang dalawang kasamahan na hindi na pinangalanan.

Screenshot mula sa Facebook| Daily Fawk

Nagulat naman ang mga taong namamasyal sa lugar sa ginawa ni Hallazgo lalo pa’t karamihan sa kanila ay kagagaling lamang sa kalapit na simbahan.

Plano sanang sampahan ng reklamong alarm and scandal ang tatlo, subalit pinatawad na lamang ang mga ito kinalaunan at inisyuhan ng ticket bilang paglabag sa ordinansa ng lungsod.

Bukod dito pinatawan din sila ng apat na araw na community service.

Screenshot mula sa Facebook| Daily Fawk

Nangako rin ang vlogger na hindi na niya uulitin ang ginawa at humingi ng tawad. Umapela rin siya sa kaniyang mga followers na huwag siyang gayahin.

“I’m aware that what I did was wrong, and I’m really sorry for it,” ani Hallazgo sa panayam ng DxIF- Bombo Radyo. “What I did was simply wrong.”

Loading…