VP Leni naka-quarantine matapos ma-expose sa kaniyang security detail na may COVID

Imahe mula sa OVP
  • Nagpositibo sa COVID ang isang security aide ni VP Leni Robredo
  • Dahil dito, sumailalim siya sa quarantine simula nitong Sabado
  • Hindi rin natuloy ang kaniyang nakatakdang biyahe patungong Bicol

Sumailalim sa quarantine nitong Sabado, Abril 17, si Vice President Leni Robredo matapos magpositibo sa COVID-19 ang kaniyang close-in security detail na lagi niyang nakakasama sa mga lakad at sa opisina.

Ayon kay Robredo, nakatakda sana siyang umuwi sa Bicol upang makiramay sa kaniyang kaibigan na sumakabilang-buhay kamakailan lamang.

Screenshot mula sa Facebook

Subalit nakatanggap umano siya ng tawag mula sa contact-tracing team para ipaalam na COVID-positive ang isa sa kaniyang security detail.

“I was all set to go. But just a few minutes ago, I received a contact tracing call informing me that my close-in security has tested positive. I was with him in the car, in the elevator, and in the office almost everyday this week,” bahagi ng Bise Presidente sa Facebook.

Patuloy naman daw niyang sinusunod ang mahigpit na health protocol subalit dahil isa nga siya sa malapit na nakakasalamuha ng security aide ay kailangan niyang sumailalim ngayon sa quarantine.

“We have regular surveillance antigen testing in the office and we do follow very strict health protocols but because I was a very close contact, I need to do the required quarantine and do an rt-pcr test after my quarantine,” dagdag pa ni Robredo.

Imahe mula sa Facebook

Dahil dito hindi na rin matutuloy ang kaniyang biyahe patungong Bicol at nanghihinayang ang opisyal na hindi na niya masusulyapan sa pinakahuling pagkakataon ang kaniyang kaibigan bago ito ihatid sa kaniyang huling hantungan.

Noong nakaraang Hulyo, napilitan ring suspendehin ni Robredo ang trabaho sa kaniyang opisina matapos magpositibo asa COVID-19 ang isa sa kaniyang staff.

Sa kasalukuyan, abala ang tanggapan ng Pangalawang Pangulo matapos ilunsad ang SwabCab na nag-aalok ng libreng antigen test sa mga tao, at ang Bayanihan E-Konsulta, isang telecommunication platform para sa mga mayroong COVID.

Loading…