‘Walang fanfare, walang media’: Angel at Anne nag-donate ng P1-M sa Pasig City

Mga imahe mula sa Facebook
  • Nag-donate ng P1-M sa Pasig City sina Angel Locsin at Anne Curtis
  • Pinasalamatan sila ni Mayor Vico Sotto dahil ginawa ito nang dalawa nang ‘walang fanfare’
  • Ilalaan daw ng lungsod ang pera para pandagdag sa bibilhin pa nilang COVID vaccine

Pinasalamatan ni Mayor Vico Sotto ang mga artistang sina Angel Locsin at Anne Curtis dahil sa ibinigay nilang P1-M para sa Lungsod ng Pasig na ayon sa alkalde ay malaking tulong sa kanilang vaccination drive.

Sa kaniyang Facebook Live nitong Lunes, ibinahagi ni Mayor Vico na ginawa ito ng dalawang Kapamilya actress nang walang media mileage.

Screenshot mula sa Facbook Live

“Ito po sina ate Angel Locsin, si Miss Anne Curtis nag-donate po sila ng P1 milyon. Idadagdag po natin ‘yan sa vaccination fund natin,” anang alkalde na galing din sa angkan ng mga taga-showbiz.

Ayon pa sa Pasig mayor, ni hindi man nga lang daw niya nakita sina Angel at Anne at basta na lamang iniwan ng dalawang aktres ang tseke sa kanilang tanggapan.

“Dinonate nila ito walang fanfare, walang media. Ni hindi nga kami nagkita. Iniwan lang nila ‘yung tseke,” dagdag pa ni Mayor Vico Sotto.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Ayon sa ABS-CBN News, nakalikom ng halos P6-M sina Angel at Anne mula sa ginawang celebrity auction at ipinamahagi nila ang pera sa Philippine Red Cross at ilang local government units (LGUs) kabilang na ang Pasig City.

Nagpasalamat din ang alkalde sa iba pang tumutulong at nagmamalasakit sa kanilang lungsod.

“Thank you sa lahat nang tumutulong, nagmamalasakit, alam ko man o hindi. Idadagdag po natin ‘yan sa vaccination fund natin,” wika ni Mayor Vico.

Imahe mula sa Facebook

Ibinahagi rin ng alkalde na nakapag-order na sila ng 400,000 doses ng AstraZeneca vaccine subalit hindi pa umano ito dumarating.

Ang mga donasyon namang natanggap nila mula kina Angel at Anne at sa iba pang donors ay ilalaan na lang muna sa mga bibilhin pang bakuna sa mga darating na araw.

Nauna nang sinabi ni Mayor Vico na target nilang mabakunahan ang nasa 700,000 na residente ng lungsod mula sa nasa 1 milyong populasyon nito.

Loading…