Xian Lim mahal na mahal ang birthday celebrant na si Kim Chiu: “I’m the luckiest man”

Image by Xian Lim via IG
  • Xian Lim sumulat ng sweet birthday message para sa kanyang GF na si Kim Chiu
  • Xian: “I just want to say that I’m the luckiest man in the world to always have you by my side”
  • Nagsimulang mag-date sina Kim at Xian noon pang 2012

Inihayag ng aktor at TV host na si Xian Lim sa social media ang labis na pagmamahal sa kanyang girlfriend na si Kim Chiu. Isinulat ito ng aktor sa Instagram post bilang birthday message para sa ika-31 kaarawan ni Kim.

Image by Xian Lim via IG

Ani Xian, siya na raw ang pinakamasuwerteng lalaki yamang nariyan palagi sa kanyang tabi si Kim. “Hi @chinitaprincess I just want to say that I’m the luckiest man in the world to always have you by my side.”

Inalala nito ang unang date nilang dalawa kung saan nag-aalala pa si Kim kung magtatagal ba ang kanilang relasyon dahil sa nakatira sila sa “crazy world”.

“Naysayers had their own versions of what they think we have. So many doubts , so many people trying to keep us apart.”

Pero, pagpapatuloy niya, nagmamahalaan pa rin sila at naroon para sa isa’t-isa na parang wala nang bukas.

“I love you so much Kim, always remember that. Through thick and thin, through ups and downs, know that I’ll always be here loving you every day, every hour and every second. HAPPIEST BIRTHDAY TO YOU Enjoy this special day!”

Nagsimulang mag-date sina Kim at Xian noon pang 2012 pero taong 2018 lamang nang aminin sa publiko ng Chinita Princess ang relasyon nilang dalawa.

Image by Xian Lim via IG

Sikreto umano sa mahaba at masayang relasyon ng dalawa ang pag-take dito “one step at a time” at pagbibigay ng espasyo para mag-grow separately.

Wika ni Xian, “Kumbaga si Kim, she has the freedom to do everything she wants as an artist. And she also gives me the freedom to do whatever it is I feel like I need to do. Hindi namin hinahawakan sa leeg iyong isa’t-isa.”

Image by Kim Chiu via IG

Loading…