Yorme ipinagtanggol ang muling pagtambak ng dolomite sand sa Manila Bay: “Life must go on”

Screenshot mula sa CNN PH video
  • Para kay Mayor Isko, walang isyu kung tuloy man ang pagtambak ng dolomite sand
  • Kailangang magpatuloy umano ang gobyerno sa kanilang mga proyekto kahit pa may krisis
  • Ito rin daw ang gagawin niya kung sakaling siya ang magdedesisyon

Bagamat’t inamin ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na hindi siya nasabihan tungkol sa panibagong pagtatambak ng dolomite sand sa Manila Bay nitong nagdaang araw, wala namang nakikitang problema ang alkalde tungkol dito.

Sa kaniyang panayam sa CNN Philippines, sinabi ni Mayor Isko na nagpapasalamat man sila sa national government dahil sa ginagawang pagpapaganda sa Manila Bay at sa Roxas Boulevard, mas pinagtutuunan umano niya ng pansin ngayon ang mga hakbang para masugpo ang pandemya.

Screenshot mula sa CNN PH video

Wala naman daw siyang nakikitang isyu kung ituloy man ang pagtatambak ng artificial sand kahit pa mas maraming problema na kinakaharap ngayon ang bansa.

“Life must go on, things must move on the way we wanted it,” turan ng alkalde. “We must continue to move on and the country must move because economically we’re hurt.”

Ito kasi ay dahil marami ring nangangailangan ng trabaho sa ngayon kahit pa patuloy na binibigyan ng proteksiyon ng gobyerno ang mga tao. Hindi raw ito dahilan para huminto na ang gobyerno sa mga gawaing sa tingin nito ay kailangang tuparin.

Screenshot mula sa video ni Mayor Isko Moreno

“All other things in the government in terms of vision, aspirations, future development for midterm and long-term, must be done simultaneously while we’re fighting against the pandemic. We cannot stop,” paliwanag pa ni Mayor Isko.

Kung siya man ang magdedesisyon, turan ng alkalde, ay hahatiin niya sa magkabilang panig ang gagawin ng pamahalaan – isang banda para sa pagpapatuloy ng mga proyekto at ang kabila naman ay para sa pagtugon sa pandemya.

Noon pa man ay tiniyak na umano sa kanila ng DENR na walang dulot na panganib ang proyekto at sinang-ayunan naman nila ito.

Screenshot mula sa CNN PH video

Noong isang araw ay muling kumalat sa social media ang mga larawan ng pagtatambak ng artipisyal na buhangin para sa pagpapatuloy ng P389-M na proyekto ng gobyerno na sinimulan noong nakaraang taon.

Naging kontrobersiyal ito at umani ng batikos mula sa netizens dahil daw sa maling timing ng proyekto kung saan tinaon pa sa kasagsagan ng pandemya.

Marami ang nagsabing sana ay inilaan na lang ang milyong pera sa COVID response ng pamahalaan lalo pa’t maraming nawalan ng trabaho at nagkukumahog ngayon ang administrasyon sa paghanap ng perang ipamamahagi bilang ayuda.

Loading…