Yorme sa ‘di pagde-deliver ng Pfizer ng bakuna: “What’s happening with you, Pfizer? Hindi n’yo na ba mahal ang Pilipinas?”

Imahe mula sa Manila PIO
  • Kinuwestyon ni Yorme ang Pfizer kung bakit hindi pa ito nagde-deliver ng bakuna sa Pilipinas
  • Sinabi ni Yorme na ang Pfizer ang isa mga naunang kumpanya na  nakipag-ugnayan sa bansa para sa COVID-19 vaccine
  • Matatandaang nagkaroon din ng meeting sa pagitan ni Mayor Isko at Pfizer officials noong November 2020 tungkol sa COVID-19 vaccine procurement

Kinuwestyon ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang American pharmaceutical company na  Pfizer dahil sa hindi pa nito pagde-deliver ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Screenshot mula sa PamilyaTalk video

Matatandaang noon pang July 2020 ay nagpahayag na si Yorme na ang city government ay naglaan na ng pondo upang bumili ng mga bakuna mula sa Pfizer.

Nagkaroon ng meeting sa pagitan ni Mayor Isko at Pfizer officials noong November 2020 kung saan muling sinabi ng alkalde na handa ang Maynila na bumili ng Pfizer vaccine na nagkakahalaga ng P250 million.

Aniya, isa ang Pfizer sa mga naunang pharmaceutical companies na nakipag-ugnayan sa Pilipinas para sa COVID-19 vaccine, subalit ipinagtataka niya kung bakit hanggang ngayon ay wala pa itong naide-deliver.

“Bakit ang Pfizer, hindi nagpapadala sa Pilipinas? ‘Yun ang tanong ko sa Pfizer, what’s wrong with you?” aniya sa isang interview noong Lunes, April 5.

“What’s happening with you, Pfizer? Hindi n’yo na ba mahal ang Pilipinas? Hindi na ba mahalaga ang mga buhay namin tulad ng pagbibigay ninyo ng pagpapahalaga sa buhay ng Amerikano, Singaporean, at iba pang bansa?” dagdag pa ni Yorme.

Imahe mula kay Mayor Isko Moreno

Pinasalamatan naman ni Yorme si Pangulong Rodrigo Duterte at ang IATF dahil pinayagan na ang mga mayor na nasa lugar na aprubado ng Department of Health na mabakunahan na rin.

Noong Linggo, April 4, ay naturukan na si Mayor Isko ng Sinovac COVID-19 vaccine. Si Vice Mayor Honey Lacuna, na isang doktor, ang nagbakuna kay Yorme.

Screenshot mula sa Manila PIO video

Loading…