Bea Alonzo namigay ng pera sa kaniyang mga kasambahay at ilang frontliners nitong Labor Day

Screenshot mula sa You Tube
  • Namudmod ng pera si Bea Alonzo sa kaniyang mga kasambahay nitong Labor Day
  • Nakatanggap rin ang delivery rider at ang fan niyang frontliner
  • Ayon sa aktres, pasasalamat niya ito sa kanilang mga sakripisyo

Pinasaya ni Bea Alonzo ang kaniyang mga kasambahay, driver at ilang frontliners sa pamamagitan ng pamumudmod ng pera nitong nagdaang Labor Day, Mayo 1.

Sa kaniyang You Tube vlog, ibinahagi ng Kapamilya aktres ang masayang palaro na inihanda niya para sa kanila na tinawag niyang “The Labor Games” kung saan ang mananalo ay mag-uuwi ng tumataginting na P20,000 habang P10,000 ang makukuha ng consolation prize winners.

Screenshot mula sa You Tube

“Gusto kong i-celebrate ang aking mga kasambahay for making it convenient for me to stay at home even though they are far from their families,” bungad ni Bea.

Makikita ang kasiyahang dulot ng palaro ni Bea sa kaniyang mga kasambahay na talagang nag-enjoy nang lubos sa indoor games at sa premyong nakuha nila.

Bukod dito, sinurpresa rin ng aktres ang delivery rider na nagdala ng inorder niyang pagkain at umuwi itong nakangiti matapos makatanggap ng hindi inaasahang tip na P15,000.

Screenshot mula sa You Tube

“Yung rider na magdadala ng food ay hindi niya alam na I will give him P15,000 through Paymaya money transfer and also 5,000 worth of load,” bahagi pa ng aktres.

“I can’t wait to see his facial expression and his reactions when he finally find out kung ano ‘yung magkakaroon siya today and also I have this fan na healthworker na lagi niya akong pinupuntahan noon pa, I have to give her P20,000,” dagdag pa n Bea.

Mayroon ding nakahandang mesa sa labas ng bahay ni Bea kung saan mayroong nakalapag na biscuits, chips, bottled water at iced coffee na sadyang nakalaan para sa mga riders na dadaan sa tapat nila.

Screenshot mula sa You Tube

Maliban dito, kinausap niya rin ang fan niyang frontliner na nakatanggap ng P20,000 at lubos ang pasasalamat sa kaniyang magandang idolo.

“In these trying times, I can’t help but thank those who go the extra mile to keep us all safe. To our frontliners, delivery drivers, and especially the angels in our household who ensure our safety and health, THANK YOU,” ayon sa caption g vlog ni Bea.

Panoorin:

Loading…