Billionaire couple Bill at Melinda Gates maghihiwalay na

Imahe mula sa Financial Times
  • Inanunsiyo nina Bill at Melinda Gates ang kanilang divorce
  • Tumagal din ng 27 taon ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa
  • Tiniyak naman ng dalawa na tuloy at buo pa rin ang kanilang charitable foundation

Makaraan ang halos tatlong dekada, tinuldukan na ng bilyonaryong si Bill Gates at ng kaniyang misis na si Melinda ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Nitong Martes, Mayo 4, pormal nang inanunsiyo nina Bill at Melinda ang kanilang divorce matapos ang 27 taong pagsasama sa iisang bubong. Kilala ang dalawa bilang isa sa pinakamayaman at pinakamaimpluwensiyang mag-asawa sa buong mundo bukod pa sa kanilang charitable foundation na maraming natulungan.

Imahe mula sa Twitter

“After a great deal of thought and a lot of work on our relationship, we have made the decision to end our marriage,” ayon sa pahayag na inilabas ng mag-asawa sa Twitter.

“Over the last 27 years, we have raised three incredible children and built a foundation that works all over the world to enable all people to lead healthy, productive lives,” dagdag pa ng pahayag.

Nagkakilala ang mag-asawa taong 1987 sa isang dinner ng Microsoft, ang kumpanyang itinatag ni Bill kasama ni Paul Allen noong 1975, at kung saan din nagtrabaho si Melinda bilang general manager.

Ikinasal sila sa Hawaii noong 1994 at nagkaroon ng tatlong anak.

Imahe mula sa CNBC

“We no longer believe we can grow together as a couple in the next phase of our lives. We ask for space and privacy for our family as we begin to navigate this new life,” dagdag pa ng pahayag.

Samantala, tiniyak naman ng mag-asawa na tuloy at buo pa rin ang kanilang itinayong Bill & Melinda Gates Foundation, isa sa pinakamalaking charitable institution sa Estados Unidos na may tinatayang assets na mahigit $50-B.

Mananatili umano silang co-chairs at trustees ng naturang foundation sa kabila ng kanilang napipintong divorce.

Imahe mula sa Science

“They will continue to work together to shape and approve foundation strategies, advocate for the foundation’s issues, and set the organization’s overall direction,” ayon sa pahayag ng Bill & Melinda Gates Foundation.

Si Bill Gates, 65, ang pang-apat na pinakamayamang nilalang sa buong mundo na may tinatayang asset na nagkakahalaga ng $124-B. Ang kaniyang misis na si Melinda, 56, ay founder ng investment firm na ‘Pivotal Ventures’ at nakapagsulat ng librong “The Moment of Lift” tungkol sa women empowerment.

Loading…