Locsin dismayado na sa China: “What are you doing to our friendship?”

Imahe mula sa Facebook ni Sec. Teddy Locsin
  • Naglabas ng kaniyang pagkadismaya si Foreign Affairs Sec. Locsin laban sa China
  • Tinawag pa niyang ‘kaibigan’ ang China subalit ano raw ang ginagawa ng huli sa ‘friendship’ nito sa Pinas
  • Muli ring pinaalala ng kalihim ang naging desisyon ng arbitral tribunal na pumabor sa Pilipinas

Matapos muling magsampa ng diplomatic protest, nagpakawala ng maanghang na salita si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin para palayasin ang Chinese vessels sa teritoryong pag-aari ng Pilipinas.

Sa kaniyang Twitter nitong Lunes, hindi naitago ni Locsin ang kaniyang pagkadismaya matapos lumabas ang ulat na mayroon pa ring mga nakahimpil na  sasakyang pandagat sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

“China, my friend, how politely can I put it?” ani Locsin sa tweet na may kasama pang pagmumura.

Screenshot mula sa Twitter

“What are you doing to our friendship? You. Not us. We’re trying. You. You’re like an ugly oaf forcing your attentions on a handsome guy who wants to be a friend,” dagdag pa nito.

Sinabi ng DFA na nagsampa na sila ng panibagong diplomatic protest kontra China bilang pagkondena sa pananatili ng ilan pang Chinese vessels sa Bajo de Masinloc pati na ang diumano’y hindi magandang aksiyon ng Chinese Coast Guard laban sa Philippine Coast Guard na nagpa-patrol sa lugar.

Imahe mula s IB Times

Ayon sa pahayag na inilabas ng DFA, nagsagawa ng “shadowing, blocking, dangerous maneuver and radio challenges” ang mga Tsino sa mga barko ng Pinoy na nagsasagawa ng maritime exercise sa Bajo de Masinloc.

Iginiit rin ng ahensiya na walang “law enforcement rights” ang China sa nasabing isla.

Sa isa pang tweet muling ipinaalala ng kalihim sa komunistang bansa ang naging ruling ng arbitral tribunal sa The Hague, Netherlands noong 2016 kung saan ibinasura nito ang tinatawag na ‘nine-dash line’ ng China na umano’y nagpapakita ng kanilang tradisyonal na nasasakupang teritoryo sa pinag-aagawang karagatan.

Screenshot mula sa Twitter

“What is it so hard to understand about Duterte’s UN declaration that the Arbitral Award made all maritime features Philippines; no one else’s?” wika pa ni Locsin.

Samantala, tumanggi namang magbigay ng komento ang Chinese embassy sa Manila hinggil sa insidenteng nangyari sa Bajo de Masinloc.

Loading…