Personalized cake na may disenyong mga ipis kinaaliwan

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang isang personalized cake na may ‘nakapaninindig-balahibong’ disenyo
  • Mga kinatatakutang ipis kasi ang palamuti nito
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Marami sa atin ang takot na takot o kaya naman ay diring-diring madapuan ng lumilipad-lipad o gumagapang na mga ipis. Ngunit paano kaya kung maging palamuti o disenyo pa ito ng iyong cake?

Kinaaliwan ng mga netizens ang personalized cake na ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang ‘Christine Gil Gestosani’ dahil kakaiba ang disenyo niya dito; nilagyan ito ng mga palamuting ipis at mga itlog nito na talaga namang ‘nakapaninindig-balahibo.’

Makikita ito sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Christine Gil Gestosani

“Tindig-balahibo while working. But this is love no? Hahahaha loving someone is to scare them with their own birthday cake hahahahahaha,” pahayag ni Christine, na talagang gumagawa ng mga personalized cakes para sa iba’t ibang mga pagdiriwang.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento at reaksyon mula sa mga netizens.

“Hahaha parang ayokong kainin. Puwedeng-puwedeng ipandisplay sa mga social media, very unique. pero parang nakakailang pa rin hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Ang galing! Sinong mag-aakalang puwede palang gawing design sa cake ang mga ipis! Tingnan natin kung may magtatangkang mag-uwi niyan kaagad hahaha.”

“This is very interesting! Hahaha. Ang galing ng pagkakagawa nito, grabe. Ganito na lang ang ireregalo ko sa kaibigan ko, hahaha,” wika naman ng isa.

Saad naman ng isa, “Baka mamaya kapag takot sa ipis ang makakuha niya, bigla na lang manikip ang dibdib dahil sa takot hahaha. Pero nice idea ito.”

Imahe mula sa Facebook account ni Christine Gil Gestosani

Ang ipis ay isang uri ng insekto na kaanak ng mga anay, na maituturing na ‘peste.’ Hindi mahaba ang life span o tagal ng buhay ng mga ipis dahil kung saan-saan silang sulok at lugar nagsususuot.

Samantala, ‘edible’ naman daw o nakakain ang disenyong ipis at mga itlog nito, at hindi rin ito totoo, kaya walang dapat ipangamba ang mga magpapagawa sa kaniyang customers.

Keri mo bang kumagat ng ‘ipis’?

Loading…