‘The Happiest Place on Earth’ muli nang binuksan sa publiko

  • Maaari na ulit bisitahin ang Disneyland
  • Binuksan nila ito para sa mga residente doon
  • Inilunsad din nila ang kanilang Disney Cruise Line na ‘Disney Wish’

Binuksan na ulit sa publiko ang ‘Disneyland’ sa California, USA na kilala rin sa taguring ‘The Happiest Place on Earth,’ matapos ang lockdown doon dulot na rin ng pandemya. Nagsimula na silang magpapasok ng mga bisita noong Abril 30, 2021.

Makikita mismo sa opisyal na Facebook page ng Disneyland ang kanilang re-opening, subalit kailangan pa ring sumunod sa minimum health protocols ang mga bisitang magtutungo roon, gaya ng pagsusuot ng face mask, pagpapakuha ng body temperature, at pag-iwas na halikan o yakapin ang mga estatwa gaya ni Mickey Mouse.

Imahe mula sa Facebook page ng Disneyland

“For the first time in forever there’ll be magic, there’ll be fun… After being closed for a year, the magic is finally returning to Disneyland Resort theme parks on April 30. Our cast members eagerly await your arrival!” saad nila sa kanilang Facebook post.

“Disneyland was opened only to California residents and capacity was limited to 25% to allow for social distancing. Also, masks should be worn at all times,” saad pa nila.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Kung wala na sanang pandemya, napakasarap sigurong magpunta!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Mabuti pa sa ibang bansa, puwede na ulit yung mga ganyan. Meanwhile sa Pilipinas, quarantine pa rin at pagsusuot ng face shield ang problema, plus mga ayudang hindi pa naipamimigay.”

Imahe mula sa Facebook page ng Disneyland

Bukod sa kanilang themed park, isa pa sa mga surpresa nila ay ang paglulunsad ng Disney Cruise Line na tinawag nilang Disney Wish.

“Disney Cruise Line is opening bookings for its spring 2021 voyages to the public this week, according to a statement by the company. In addition to the new itineraries, the cruise line will also be launching two new ships in 2022 and 2023. The new Disney Wish will begin voyages in early 2022,” ayon sa kanila.

Imahe mula sa Facebook page ng Disneyland

Magiging immersed daw ang mga guests sa iba’t ibang kuwento ng stories of Disney, Pixar, Marvel at Star Wars.

Samantala, isang pasilip mula sa Kapamilya network:

Loading…