Regine sa isyung nagkakaproblema sila ni Ogie: 11 years, mas mahal ko siya ngayon kaysa dati

regine ogie

Ilang buwan na ring napag-uusapan ang pagkakaroon umano ng marital problems ng singing couple na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. May katotohanan nga ba ang mga kumakalat na kuwento?

Sa birthday episode ni Ogie sa Magandang Buhay, nilinaw ng mag-asawa na wala silang problema at hanggang ngayon ay talaga namang in love na in love pa rin sila sa isa’t isa.

“Ano lang ‘yan, siguro hindi naman puwedeng mawalan ng basher, hindi ba? Minsan kasi kapag nakikita nila ang liga-ligaya n’yo, ‘yon lagi pupukulin. Kaya huwag mo na pansinin, ikaw naman,” sabi ni Ogie sa kanyang misis.

regine ogie

Tugon naman ng Asia’s Songbird sa kanya, “Actually ako wala, natawa ako, kasi alam kong hindi. You know, since we’ve been together for 11, magtu-twelve. Sinasabi ko ito sa kanya lagi, mas mahal ko siya ngayon kaysa dati.”

Sa katunayan, ani Regine, mas tumindi pa raw ang pagmamahalan nila at mas tumibay ang relasyon noong nag-pandemic at lagi silang nasa bahay, kaya naman noong pumunta si Ogie sa US  para sa isang show, naging mahirap daw para sa celebrity wife ang mag-adjust.

“Actually enjoy na enjoy akong kasama ang asawa ko na noong umalis siya pumunta siyang States ay hindi ko kaya, iyak ako nang iyak talaga. Kasi parang ang tagal naming magkasama, kami-kami lang, tapos biglang inalisan ako pumunta ng States,” aniya.

regine ogie

“He’s my best friend and I always say this, it’s wonderful to be married. It is, it is wonderful to be married, provided that you are married to the right person. Kaya natawa ako sa balita na ganun kasi hindi eh,” pagpapatuloy pa ni Regine.

Samantala, nauna nang nagsalita si Ogie tungkol sa usap-usapan.

Saad niya sa isang tweet, “I have read some tweets about my wife and I having marital problems. For the record, wifey and I are so much in love and there has not been a day where that love for each has ever diminished.”

ogie regine