Dahil balik-eskuwela na naman ang mga estudayante matapos ang mahabang ‘bakasyon’ at tanging online class lamang ang nagsilbing eskwela ng lahat ay sari-saring pakulo ang mga guro ngayon upang ganahan ang kanilang mga estudyante.
Noong Setyembre 8, 2022 ay nag-viral ang video ng isang guro na si Ariel Casimero Grijaldo Jr., isang MAPEH teacher, na nagtuturo sa kanyang klase kung paano magsagawa ng mga galaw na tinatawag niyang “karatey.”
Aniya ay energizer ito bago magsimula ang kanyang klase.
Sa simula ng video, makikita at maririnig ang guro na nagtatanong sa kanyang mga estudyante kung sila ay pagod na.
“How are you this afternoon class? Are you all good? Are you tired?”
Sinagot naman siya ng mga estudyante ng ‘yes’
“Oh yes, I understand na pagod na kayo kasi mula pa kaninang umaga ang klase up to now. Pero ‘wag kayong mag-alala at last two subjects na lang. ‘Di ba? Is it a yes, yes, yes?” tanong ulit ng guro.
“Yes, yes, yes!” sagot naman ng mga estudyante.
“‘Wag kayong mag-alala dahil before we begin with our lesson I will teach you self-defense. And it is a karatey,” ani Teacher Ariel.
Pagkatapos ay ginawa na ni Teacher Ariel ang lahat ng mga galaw. Nang sa tingin niya ay alam na ng mga mag-aaral kung paano ang moves ay hiniling niya sa kanila na samahan siya kasabay ng awiting ‘I Have Two Hands’. Weh? ‘di nga? hahaha
Ang mas naging nakatutuwa ay ang mga galaw na mukhang idinisenyo upang i-sync sa lyrics ng kanta.
Ang video, na na-upload sa Facebook page ni Teacher Ariel ay nakahakot na ng 5.8 million views na may mahigit 150K reacts at 8.5K comments.
Kamakailan din ay nagbigay siya ng energizer sa mga magulang at guardians ng kanyang mga mag-aaral.
Aniya sa kanyang video post, “TikTokerist din pala si parents and guardians! Energizer muna bago mag simula ang 1st HPTA Meeting para ganado ang lahat makinig. Go go go nanays and tatays! “
Pinuri din ito ng netizens.
“Good presentation and motivating parents to be responsive…good job sir…you are an inspiration to others…..”
Nag-viral din umano ang isa pa niyang video, kung saan nagkukunwaring nagtuturo si Teacher Ariel at ang dalawang estudyante naman niya ay nasa harapan ng camera habang sumasayaw. Ilang sandali pa ay nakisayaw na rin ang iba pang natitirang estudyante.
Aniya, uwian na ng mga estudyante nang ginawa ang video matapos maglinis ang mga ito.
Kung nabitin ka sa ‘energizer’ videos ni Teacher Ariel, sundan mo ang kanyang YouTube channel – Ariel Casimero Grijaldo Jr.!
Be the first to comment on "Kwelang pagtuturo ng teacher ng Karaté energizer sa klase, kinaaliwan ng netizens"